DOH, nakapagtala ng mababang bilang ng kaso ng COVID-19

Bumaba na sa 49,613 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 4,114 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 6,086 naitalang bagong gumaling.

May 104 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kayat umabot na sa 25,296 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,445,832 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,370,923 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na. 

Madz Moratillo

Please follow and like us: