DOH nakapagtala ng mahigit 9 na libong bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health ng 9,226 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,046, 653 ang kabuuang kaso ng COVID 19 na naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, 72,248 naman ang aktibong kaso.

May 10,809 namang naitalang bagong gumaling mula sa sakit.

Sa ngayon, umabot na sa 957,051 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID 19.

May 120 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umakyat na sa 17,354 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID- 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: