DOH nakapagtala ng panibagong 8,027 kaso ng Covid-19; Higit 8,900 bagong recoveries, naitala rin

Muling nakapagtala ng mataas na kaso ng Covid-19 ang Department of Health ngayong Araw ng Kalayaan.

Ayon sa DOH, nasa 8,027 ang mga karagdagang kaso ngayong araw.

Dahil dito pumalo na sa 1,308,352 ang kabuuang Covid-19 cases sa bansa na may aktibong kaso na 60,341.

Samantala, nakapagtala rin ng 8,940 bagong mga gumaling sa karamdaman kaya umakyat na sa 1,225,539 ang kabuuang recovery cases mula sa Covid-19.

Mayroon namang naiulat na bagong 145 na pumanaw kaya umakyat na sa 22,652 na death toll ang bansa dahil sa virus infection.

Please follow and like us: