DOH, wala pang inilalabas na price range para sa Covid-19 testing

Bagamat may inilabas ng Executive Order si Pangulong Rodrigo Duterte, wala pa ring nailalabas na price range ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) para sa COVID-19 testing sa bansa.

Ayon sa DOH, may ilang pagbabago na ginagawa sa kanilang inilatag na guidelines para sa gagawing regulasyon sa presyuhan ng COVID-19 testing.

Batay na rin umano ito sa mga nakalap nilang komento mula sa mga nakausap na eskperto.

Nitong Lunes, nagkaroon din umano ng public consultation para sa magiging presyuhan ng COVID-19 testing.

Ito ay para makuha ang mga komento ng iba’t ibang stakeholders tulad ng mga laboratoryo, mga ospital at iba pang health institutions.

Madz Moratillo

Please follow and like us: