Mga pulis na nakakarekober sa Covid-19, naragdagan pa

Nasa 45 pang mga pulis ang nakarekober sa Covid-19.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP), dahil diot, umakyat na sa 7,338 ang recovery cases sa kanilang hanay.

Gayunman, nasa 24 karagdagang kaso naman ng Covid-19 ang naragdag sa kanilang hanay kaya umabot na sa 7,758 ang kabuuang kaso.

Mula sa nasabing bilang, 395 rito ang aktibo.

Samantala, ang death toll naman ay nasa 25 na matapos makapagtala ng isang bagong pumanaw.

Please follow and like us: