DOJ Action Center, pasisinayaan sa Region III

Magkakaroon na ng access sa libreng legal assistance mula sa DOJ ang mga taga- Region III partikular ang mga kabilang sa marginalized sector.

Ito ay dahil sa nakatakdang pagpapasinaya sa DOJ Action Center Region III sa Marso 24.

Matatagpuan ang DOJAC- R III sa New Capitol Compound, Palayan City sa Nueva Ecija.

Ito ang panlima na regional office ng DOJAC sa bansa.

Ang DOJAC ay ang frontline service ng DOJ na nagbibigay ng legal advice, referral at mediation services sa publiko.

Maaaring mag- walk-in, tumawag, mag-email o mag-mensahe sa Facebook ng DOJAC ang mga kliyente.

Ang tanggapan din ang receiving office ng Task Force Against Corruption.

Umaabot sa 16,105 kliyente ang napagsilbihan ng DOJAC noong 2021.

Moira Encina

Please follow and like us: