Mayor Isko Moreno, pabor ipagpaliban ang Barangay-SK elections sa December 5

Pabor si Presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno na ipagpaliban muna ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa December 5, ngayon taon .

Paliwanag ni Moreno, ang 8 bilyong pondo para rito ay pwedeng magamit muna para matulungan ang mga naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Moreno, maaaring ipagpaliban ang halalan para sa Barangay at SK elections ng isa o isa’t kalahating taon.

Hinikayat rin niya ang Economic managers ng gobyerno na humanap ng mga paraan para matulungan ang mga Filipino sa gitna ng krisis pang-ekonomiya dulot ng Russia – Ukraine conflict.

Sa Nueva Ecija nag-ikot kahapon si Moreno sa Nueva Ecija kasama ang running mate na si Doc Willie Ong at mga miyembro ng kanilang Senatorial slate.

Madz Moratillo

Please follow and like us: