DOJ at BOC hinimok na paigtingin ang pagpapatupad ng Anti Agricultural Smuggling law

Hinimok ni Senador Christoper Bong Go ang Department of Justice at Bureau of Customs na paigtingin ang pagpapatupad ng Anti Agricultural Smuggling law.

Sa harap ito ng pagkalat ng mga umano’y puslit na Agricultural products lalo na ngayong holiday season.

Sinabi ni Go na dapat tutukan ng DOJ at Customs ang mga sangkot sa smuggling at dapat may masampolan at makasuhan ng economic sabotage.

Dapat aniyang kasuhan sinuman ang mga kasabwat at ikulong para bigyan ng katarungan ang mga apektadong mga magsasaka.

Paalala ng Senador ang smuggling ang pumapatay sa kabuhayan ng mga local farmers na umaasa lang sa maliit na kita sa kanilang inaani.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *