DOJ hiningi na ang tulong ng AMLC para sa pagsilip sa bank accounts ng gunman sa Percy Lapid murder

Sinimulan na ng Anti- Money Laundering Council (AMLC) ang pagbusisi sa bank accounts ng sumukong gunman sa Percy Lapid killing.

Una nang inamin ni Joel Escorial na nakatanggap ito ng mahigit kalahating milyong piso sa bank account nito para sa pagpatay sa brodkaster.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, hiningi na nila ang tulong ng AMLC para sa pagsilip sa bank details ni Escorial.

Makakatuwang aniya ng AMLC ang NBI sa pagtunton sa money trail.

Kampante si Remulla na malalaman sa sa trail ng salapi kung sino ang nagdeposito nito kay Escorial.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *