DOJ inalok ng proteksyon ang Pamilya Mabasa

Handa ang DOJ na bigyan ng seguridad ang pamilya ng pinaslang na brodkaster na si Percy Lapid.

Ito ay sa harap ng mga pagbabanta sa buhay na natatanggap ng pamilya ni Percival Mabasa o Percy Lapid.

Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na kinausap na niya ang kapatid ni Percy na si Roy Mabasa ukol sa pagkakaloob sa mga ito ng proteksyon ng DOJ.

Ayon sa kalihim, maaari niyang atasan ang NBI o ang mga tauhan ng Witness Protection Program (WPP) para kahit papaano ay magkaroon ang pamilya ng security escort o kasama kapag lalabas ang mga ito ng kanilang tahanan.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *