DOJ tiniyak na tututukan ang kaso laban sa pulis na bumaril sa mag-inang nakaalitan nito sa Tarlac

Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mahigpit na babantayan ng Department of Justice o DOJ ang kaso laban sa pulis na bumaril at pumatay sa mag-inang nakaaway nito sa Paniqui, Tarlac.

Sinabi ni Guevarra na sisigurahin ng DOJ na makakamit ang hustisya ng mga biktima.

Ayon kay Guevarra,  sa oras na isampa ng lokal na pulisya ang pormal na reklamo sa piskalya ay agad na ito ay isasalang sa preliminary investigation ng mga prosecutors.

Inihayag ng kalihim na lubha siyang nabahala na ang nangyaring alitan ay humantong sa pagkamatay ng mga tao.

Reklamong double murder ang isinampa laban kay Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca na nakatalaga sa Parañaque City Crime Laboratory.

Moira Encina

Please follow and like us: