DOLE, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng 2 OFWs na namatay sa Beirut Explosion

Naglabas ang Department of Labor and Employment ( DOLE ) ng mensahe ng pakikiramay sa mga naulila ng dalawang Overseas Filipino Workers ( OFWs ) na kabilang sa mga nasawi sa nangyaring malagim na pagsabog sa Beirut Lebanon.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ipinananalangin din nila ang agarang paggaling ng walo pang Filipino na nasugatan sa insidente.

Aniya, ilan sa walo ay kritikal ang kondisyon at lahat sila ay nilalapatan ng lunas sa iba’t-ibang pagamutan sa Lebanon.

Ayon pa kay Sec. Bello, naabisuhan na rin ang pamilya ng dalawang nasawi at nagpahatid na rin sila ng paunang tulong.

Inaasikaso na rin ng Kagawaran ang agarang pagpapabalik sa bansa ng dalawang bangkay, gayundin ang mabilis na pagpapalabas ng benepisyo.

 

Please follow and like us: