Dole, nagpaalala sa mga employer sa private sector hinggil sa pagbibigay ng 13th month

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment ang mga employer sa pribadong sektor na kaugnay sa pagbibigay ng 13th month sa kanilang mga empleyado.

Sa Advisory ng DOLE na pirmado ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, nakasaad na ang 13th month ay dapat na ibinibigay bago o sa December 24,2022.

Binigyang diin ng kagawaran na hindi nila papayagan ang anumang mga aplikasyon o kahilingan ng employer para sa maipagpaliban ang pagbibigay nito.

Nagpaalala naman ang DOLE sa mga employer na magreport ng compliance sa pagbibigay ng 13th month pay hanggang sa January 15,2023.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *