DOT, itinanggi na kinopya ang Tourism ad campaign ng South Africa

dot

Courtesy of Wikipedia.org

Itinanggi ng Department of Tourism  na kinopya nila mula sa Tourism advertisement ng South Africa noong 2014 ang bagong lunsad nilang tourism campaign na “experience the Philippines”.

Ayon kay Tourism Assistant Secretary Frederick Alegre, iba ang bagong Tourism ad campaign ng Pilipinas dahil batay ito sa totoong buhay.

Paliwanag ni Alegre, mula sa true story ng isang retiradong Japanese na kasalukuyang nakatira sa bansa ang mapapanod sa DOT advertisement.

Paglilinaw ito ng ahensya matapos punahin ng netizens ang tila pagkakahawig ng ‘experience the Philippines’ ad sa Tourism ad ng South Africa.

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *