DOT Secretary Berna Romulo-Puyat, nanumpa na sa kaniyang tungkulin

 

Nanumpa na sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong kalihim ng Department of Tourism (DOT) na si Bernadette Romulo-Puyat.

Naging sarado sa media ang panunumpa ng kalihim.

Kasama ni Puyat sa kaniyang panunumpa ang kanyang anak at mga magulang.

Matapos ang oath-taking ceremony ay nagkaroon ng salu-salo ang Pangulo, si Puyat at kanyang pamilya, at iba pang mga panauhin sa Presidents Hall.

Matatandaang itinalaga si Puyat sa DOT matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan ni Wanda Teo at kanyang mga kapatid na blocktimer ng PTV-4 kaugnay sa 60 milyong pisong Advertising contract.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *