DOTr Sec. Tugade at PCG Commandant Admiral George Ursabia Jr. biyaheng Cagayan para inspeksyunin ang Relief operations

Biyaheng Cagayan ngayon sina Transportation Secretary Arthur Tugade at Philippine Coast Guard Commandant Admiral George Ursabia Jr.

Ayon sa PCG, ito ay para personal na inspeksyunin at imonitor ang mga ginagawang relief at rehabilitation operations sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Bago tumulak patungong Cagayan, nagtungo muna sina Tugade at Ursabia sa Ilocos Norte para bigyang pagkilala ang mga opisyal at myembro ng PCG na tumulong sa rescue at retrieval operations.

Matatandaan na sa pananalasa ng bagyong rolly at Ulysses ay isa ang Philippine Coast Guard sa mabilis na nakatugon sa rescue, relief, at retrieval operations sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Madz Moratillo

Please follow and like us: