Mahigit 90 Pinoy mula Myanmar at Laos, nakauwi na ng bansa

Nasa mahigit 90 overseas Filipino ang nakauwi na ng bansa mula Laos at Myanmar.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 46 Pinoy ang nagmula sa Vientiane, Laos na dumating sa bansa noong November 16 sakay ng Myanmar National Airlines.

Habang 48 Pinoy naman mula sa Yangon, Myanmar ang dumating din sa bansa sa karapehong araw.

Ayon sa DFA, ito na ang ika-11 repatriation flight mula Myanmar simula nang mag-umpisa ang Covid-19 Pandemic ngayong taon.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 200,000 Filipino na ang napapauwi ng bansa simula Pebrero ngayong taon na ang karamihan ay naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa Pandemya.

Ang Laos ay nananatiling may mababang kaso ng Covid-19 na nasa 24 kaso lamang hanggang nitong nakalipas na Oktubre.

Habang sa Myanmar ay mayroong mahigit 70,000 Covid cases.

Please follow and like us: