Downloadable learning materials para sa Senior High School students, available na sa DEPED website

Makakapag-aral na ng mabuti ang Senior High School students kahit kulang sila ng mga textbooks dahil may mga learning materials naman silang mai- download mula sa website ng Department of Education.

Ayon kay DEPED Assistant Secretary Tonisito Umali , hindi lang para sa mga estudyante ang modules kundi may mga teaching material din na downloadables sa DEPED website na gagamitin ng mga guro sa kanilang pagtuturo.

Samantala,tiniyak ni Asec. Umali na walang dapat ipangamba ng mga magulang ng mga kinder hanggang grade 10 dahil kumpleto sila ng gagamiting mga libro.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *