DPWH – Regional Office 1 binigyang pagkilala ng Civil Service Commission

Dahil sa patuloy na trabaho sa gitna ng Covid-19 pandemic, binigyan ng pagkilala ng Civil Service Commission ang Department of Public Works and Highways – Regional Office 1 na naka-base sa La Union.

Si DPWH Region 1 Director Ronnel Tan ang tumanggap ng Certificate of Appreciation sa virtual appreciation program ng CSC.

Ayon sa CSC, napili nilang bigyan ng parangal si Tan ng DPWH Region 1 dahil sa kahanga hangang dedikasyon nito sa pagtupad ng trabaho sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng Covid at mabilis na pagtugon sa mga emergency situation at mga kalamidad.

Nagpasalasamat naman si Tan sa pagkilala ng
CSC.

Nabatid na tanging ang DPWH Region 1 sa pamumuno ni Tan ang nag-iisang regional office ng DPWH na nabigyan ng pagkilala ng CSC.

Una rito nakamit rin ng DPWH Region 1 ang op Performing Implementing Unit award ng Kagawaran.

Kinilala rin ni DPWH Sec. Mark Villar si Tan bilang most awarded Regional Field Executive sa mga nakalipas na taon.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: