Barangay Navy sa Capas, Tarlac nagsagawa ng blood donation activity

Nagsagawa ng blood donation activity ang Barangay Navy sa Capas, Tarlac.

Maraming bilang ng tao ang tumulong sa isinagawang aktibidad, upang makatugon sa pangangailangan ng dugo.

Kasama ang Barangay officials sa nasabing lugar, naisagawa ng ligtas ang aktibidad, at nakasunod sa health and safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.

Ang mga tauhan ng Jose B. Lingad Memorial General Hospital o JBLMGH ang nanguna sa registration at pagkuha ng dugo.

Maraming benepisyo ang pagdo-donate ng dugo, kaya naman patuloy na hinihikayat ng mga kinauukulan ang publiko, na lumahok sa ganitong uri ng aktibidad upang mas marami rin ang matulungan.

Patrick Perucho

Please follow and like us: