DPWH Secretary Mark Villar tinitiyak na matatapos ang mga proyekto ng build build build team sa itinakdang completion date

Tiniyak ng build build buld team ng Duterte administration na maisasakatuparan lahat ng proyekto bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar ginagawa na ng ahensya ang kanilang makakaya para maisakatuparan na ang mga nakalatag na proyekto ng build build build team partikular na sa infrastraktura at mga kalsada na nakatakdang itayo sa ibat ibang panig pa ng bansa.

Iprinesenta na rin ang masterplan ng mga malalaki pang proyekto ng ahensya na makakatulong para made-congest ang bigat ng trapiko sa buong bansa at mapalago  ang turismo sa ibat ibang bayan sa ating bansa.

Ayon pa sa kalihim isa rin sa proyekto na kasalukuyang itinatayo sa Ilocos ay ang Candon by pass na malapit na matapos kasama na ang ilan pang mga road widenings sa Ilocos Region para mapaluwag ang daloy ng trapiko at mapabilis ang biyahe ng mga sasakyan.

Sa tulong aniya ng mga proyektong ito ay mas mapapabilis ang pag- angkat at pagbiyahe ng mga produktong ipinagmamalaki ng bansa patungo sa ibang bayan.

Mas madadagdagan din ang mga trabaho at mapapalakas  ang ekonomiya kapag naisakatuparan na at natapos ang mga nasabing proyekto.

Tumutulong din ang private sectors at Local Goverment Units para mapabilis ang mga nasabing proyekto.

Ulat ni: Earlo Bringas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *