Drive-thru at walk in COVID-19 testing centers sa Maynila, muling binuksan

Simula ngayong araw, muling magbubukas ang lahat ng drive-thru at walk-in COVID-19 testing centers sa Maynila. 


Matatandaang pansamantalang isinara ang mga nasabing testing centers para bigyang-daan ang pagdiriwang ng Holiday season.

 
Ang Drive-Thru Testing Center sa Maynila ay matatagpuan sa Quirino Grandstand.


Habang ang Walk-in Testing Centers naman ay sa: 

  • Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center
  • Ospital ng Tondo
  • Justice Jose Abad Santos General Hospital
  • Ospital ng Sampaloc
  • Ospital ng Maynila

Ang testing centers na ito ay bukas mula  Lunes hanggang Biyernes mula alas-8:00 ung umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.


Bukas din ito sa lahat residente man o hindi ng Maynila. 

Madz Moratillo

Please follow and like us: