Driver ng pampublikong sasakyan, sasailalim na sa seminar sa mga driving academy

Sasailalim na sa seminar sa mga driving academy ang mga public utility vehicle driver simula Mayo para maiwasan ang dumaraming aksidente.

Pursigido ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board  na disiplinahin ang mga tsuper  lalo’t karamihan sa mga aksidente na naitala nitong mga nakaraang  buwan ay dahil sa  driver’s error.

Ayon sa LTFRB, pwede sanang maiwasan ang mga aksidente  kung mayroong tamang kaalaman ang mga tsuper na napatunayan nilang  kulang na kulang sa  pag-intindi sa basic driving rules and regulations.

Sa oras na hindi pumasa sa mga basic examination gaya ng pagbabasa ng road signs, pagbabawalan ang mga PUV driver na humawak ng manibela o mag-renew ng drivers license.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *