Driver’s license na magpapaso sa April 24 extended – LTO

Inanunsyo ng Land Transportation Office o LTO na extended ang validity ng mga driver’s license na mag – eexpired  sa April 24 , 2023  .

Ayon sa ahensya magiging valid hanggang October 21 , 2023 ang driver’s license ng mga mag – eexpired sa nabanggit na petsa.

Nagdesisyon ang LTO na gawin ito upang hindi na maabala ang mga motorista sa kabila ng kinakaharap na problema sa suplay ng plastic card na pinag-iimprentahan ng driver’s license .

Patuloy namang  nakikipag- ugnayan ang LTO sa procurement process ng plastic card para sa driver’s license na ginagawa ng DOTr.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *