DRRMO Las Piñas, Brgy. ERT, nakahanda sa posibleng epekto ng bagyong “Egay”

Nakaantabay at nakahanda na ang Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), Barangay Emergency Response Teams (ERT) at City Command Center ng Lungsod ng Las Piñas.

Ayon sa Pamahalaang Panlungsod, nakapagsagawa na sila ng mga pagpupulong para siguraduhin ang kahandaan ng mga ahensiya sa posibleng maging epekto ng bagyong Egay.

Sinabi ng DRRMO officials, ang mga kakailanganing sasakyan, rescue equipment, medical kits, mga gamot, relief goods at evacuation centers ay handa na rin para siguruhing ligtas ang mga Las Piñeros sa epektong dala ng bagyo.

George Gonzaga

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *