Drug dependents, balak bigyan ng trabaho sa itatayong MRT Line 7

Balak ng Quezon City government na i-hire ang mga narehab na drug dependent na dati nang sumuko bilang mga trabahador sa itatayong Metro Rail Transit Line 7 (mrt-7).

Sinabi ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, layon ng lokal na pamahalaan na bigyang oportunidad ang dating drug dependents.

Nakatakdang magpirmahan ng kasunduan ang lokal na pamahalaan at ang isang pribadong kumpanyang magtatayo ng bagong linya ng MRT.

Bukod dito, may ilang pribadong kumpanya rin na nais ding bigyan ng trabaho sa call centers bilang mga clerk ang mga na-rehab nang drug dependents.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *