Drug lord na si Peter Lim pormal nang sinampahan ng reklamo sa DOJ

Sinampahan na ng reklamo ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang sinasabing big time drug lord sa Visayas na si Peter Go Lim alyas Jaguar na nasa drug matrix ni Pangulong Duterte.

Noon pang July 5, 2017 nasampahan si Lim ng PNP-CIDG ng reklamong paglabag sa Section 26-B ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act pagbebenta, pamamahagi at pangangalakal ng iligal na droga.

Kasama sa mga sinampahan ng kaparehong reklamo dahil sa hinalang pakikipagsabwatan sina Kerwin Espinosa, Peter Co, Marcelo Adorco, Max Miro at Lovely Impal.

Kaugnay nito itinakda ng DOJ ang unang araw ng preliminary investigation sa August 14 sa ganap na alas diyes ng umaga.

Sina Assistant State Prosecutor Aristotle Reyes at John Michael Humarang ang mga piskal na hahawak sa reklamo.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *