DSWD, naglagay ng Mobile Command Center para tulungan ang mga motoristang apektado nang pagpapatupad ng limitasyon sa pagdaan sa San Juanico bridge

0
photo_2025-05-20_15-57-23


Photo: Courtesy of DSWD Central Office

Ipinag-utos ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, ang paglalagay ng Mobile Command Center (MCC) upang magsilbing sentro ng koordinasyon, komunikasyon at real time na pag-uulat sa mga kaganapan sa lugar, na apektado ng pansamantalang lmitasyon sa pagdaan sa San Juanico bridge.

Ang San Juanico bridge na ginawa pa noong panahon ng panunungkulan ng namayapang pangulong Ferdinand Marcos, Sr., na nag-uugnay sa lalawigan ng Samar at Leyte, ay pansamantalang nagpatupad ng limitasyon sa pagdaan ng mga motorista papuntang Visayas at Mindanao, dahil sa nakitang paghina ng structure ng nasabing tulay.


Photo: Courtesy of DSWD Central Office

Kasabay nito ay naka-activate din ang Quick Response Tean ng DSWD Regional 8 Field Office upang agarang magbigay ng tugon kung may mangailangan sa area ng San Juanico bridge.

Ang deployment ng Mobile Command Center ay bahagi ng pinaigting na hakbang ng DSWD, matapos itaas sa blue alert status ng Regional Disaster Risk Reduction and Managament Council o RDRRMC, ang sitwasyon sa San Juanico bridge.


Photo: Courtesy of DSWD Central Office

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng DSWD National Office sa mga lokal na palanahalaan at RDRRMC, upang matukoy ang aktuwal na bilang ng mga na-stranded na motorista na nangangailangan ng agarang tulong .

Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *