Hungarian lawmakers inaprubahan na ang isang panukalang batas upang kumalas sa International Criminal Court

0
HUNGARIAN LAWMAKERS

Hungarian Prime Minister Viktor Orban and Deputy Prime Minister Zsolt Semjen attend the vote to start the withdrawal process from the International Criminal Court (ICC) in Budapest, Hungary, May 20, 2025. REUTERS/Marton Monus

Inaprubahan na nitong Martes ng parliyamento ng Hungary, ang isang panukalang batas na pasimula ng isang taong withdrawal process mula sa International Criminal Court (ICC), na sinabi ng gobyerno ni Prime Minister Viktor Orban na nagiging “pulitikal” na.

Ang hakbang ay inanunsiyo ng gobyerno ni Orban noong Apeil 3, ilang sandali makaraang dumating ni Israeli leader Benjamin Netanyahu sa Hungary para sa isang state visit, sa isang hindi pangkaraniwang biyahe sa ibang bansa bilang pagtutol sa isang ICC arrest warrant.

Nagpahayag naman ng pag-aalala ang Presidency ng Assembly of State Parties sa naturang hakbang.

Ang International Criminal Court ay itinatag mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas upang usigin ang mga akusado ng war crimes, crimes against humanity at genocide.

Noong isang buwan ay sinabi ni Orban, “ICC was no longer an impartial court, a rule-of-law court, but rather a political court.”

Tinanggihan ng Hungary ang ideya nang pag-aresto sa punong ministro ng Israel at tinawag ang warrant na “brazen” o “pambabastos.”

Ang Hungary ay isang founding member ng ICC at niratipikahan ang founding document nito noong 2001.

Gayunman, ang batas ay hindi naipalaganap.

Ang panukala na kumalas mula sa ICC ay naipasa ngayong Martes na may 134 na mga miyembro na bumoto ng pabor at 37 naman ang tutol.

Nakasaad sa panukala na isinumite ni Deputy Prime Minister Zsolt Semjen, “Hungary firmly rejects the use of international organisations – in particular criminal courts – as instruments of political influence.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *