Dumagat Trail sa Bulacan, pormal nang binuksan

Pormal nang binuksan ang Dumagat Trail na paakyat ng Mount Balagbag sa Barangay San Isidro , sa San Jose del Monte, Bulacan, upang muling pasiglahin ang lokal na turismo sa lungsod.

Ang programa ay pinangunahan ni Mayor Arthur B. Robes at ng City Tourism Office, katuwang ang Pamahalaang Barangay ng San Isidro at ng mga taga Dumagat.

Kasama rin ang National Commission on Indigenous People (NCIP), Department of Environment and Natural Resources o DENR, at ng isang Telecommunication Company.

Bahagi ng programa ang pagkakabit ng trail signages paakyat sa bundok, at ang oathtaking ng mga taga Dumagat na kasapi ng YAPAK Tour Guides, na magsisilbing katuwang sa pagpapakilala sa publiko ng angking ganda ng lungsod ng San Jose del Monte.

Ulat ni Gilian Elpa

Please follow and like us: