€750,000 halaga ng nawawalang singsing nakita sa vacuum cleaner

File photo: The entrance of the Ritz Paris Hotel in Paris, France on on January 11, 2018 / Lionel Bonaventure, AFP

Natagpuan na ang isang singsing na nagkakahalaga ng €750,000 ($807,000), na nawala sa Ritz hotel sa Paris, sa bag ng isang vacuum cleaner.

Ang singsing ay nawala noong Biyernes, at hinala ng may-ari na ninakaw iyon ng isang hotel staff.

Pero nitong Linggo, ay nakita na ang singsing sa bag ng isang vacuum cleaner makaraang maglunsad ng imbestigasyon ang pulisya.

Pahayag ng Ritz, “Thanks to the meticulous search work carried out by our security guards. Our client is delighted with this news.”

Ang may-ari na isang Malaysian businesswoman, ay dumulog sa pulisya noong Biyernes makaraang madiskubre na ang kaniyang singsing, na iniwan niya sa lamesa sa kaniyang kuwarto, ay nawawala.

Noong Sabado ay umalis na siya ng Paris upang magtungo sa London pero inaasahang babalik ito sa French capital upang kunin ang kaniyang singsing.

Nabatid na inalok ito ng Ritz ng tatlong gabing accomodation bilang kompensasyon, subalit walang plano ang nasabing negosyante na tanggapin ang alok.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *