Eastern Samar, 11 oras mawawalan ng kuryente bukas – NGCP

Labing isang oras na mawawalan ng suplay ng kuryente ang buong Eastern Samar bukas, June 10.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines magsisimula ang power interruption sa lalawigan 6:00 ng umaga at tatagal hanggang 5:00 ng hapon.

Ang maintenance activity sa Paranas-Taft-Borongan-Quinapondan 69 kilovolt line ang dahilan ng power interruption.

Nangako naman ang NGCP na gagawin ang lahat upang matapos ang pagsasaayos at maibalik ng mas maaga ang kuryente kumpara sa itinakdang schedule.

Please follow and like us: