Ekonomiya nananatiling masigla sa kabila ng umiiral na Martial Law sa Mindanao – DBM

Tiniyak ni Budget Secretary Benjamin Diokno na nananatiling masigla ang ekonomiya ng bansa sa harap ng umiiral na Martial Law sa Mindanao.

Sinabi ni Diokno na sa ngayon ay sumisipa pa rin ang Pilipinas sa stock market bagaman patuloy ang giyera ng pwersa ng gobyerno at Maute terror group sa Marawi City.

Tiniyak din ni Diokno na patuloy pa rin ang pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan, maging ang proyektong imprastruktura ng administrasyong Duterte.

Kasama sa proyekto ang tulay na mag-uugnay sa Davao at Samal Island na ang konstruksyon ay posibleng matapos na ngayong taon o sa unang bahagi ng 2018.

Naniniwala naman si Diokno na panandalian lamang ang nangyayaring kaguluhan sa Marawi City at agad na matutugunan ni Pangulong Duterte.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *