Emergency hiring ng mga health workers, inirekomenda ng IATF habang nilalabanan ang Covid-19

Kailangan ng pamahalaan ng dagdag na health workers gaya ng doktor, nurses at iba pang personnel na magiging kabahagi ng mga nasa medical field na tumitingin sa mga pasyenteng may COVID 19.

Ayon kay Inter-Agency Task Force (IATF) spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles, nasa balikat ng Department of Health (DOH) ang paghahanap at pagtanggap ng kinakailangang frontliners sa gitna na rin ng nagpapatuloy pa ring krisis tungkol sa coronavirus.

Sinabi ni Nograles na  subject pa rin sa evaluation ng Department of Budget and Management o DBM ang hiring ng additional medical personnel.

Hindi naman nabanggit ni Nograles kung ilan ang posibleng maging opening para maaplayan ng mga kuwalipikadong applicants para maidagdag sa manpower na mga medical workers.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us: