EO para sa smoking ban, hawak na ng Malacanang

Hawak na ng Malacanang ang executive order kaugnay sa smoking ban sa mga pampublikong lugar sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial , posibleng pirmahan na ni Pangulong Rodrigo duterte ang EO anumang araw mula ngayon.

Aniya, may mga inaayos na lamang na ilang detalye tulad ng paglalagay ng mga smoking area.

Dagdag pa ni Ubial, hindi kasama sa EO ang mga e-cigarette at vape dahil hindi rin ito kabilang sa Tobacco Regulation act of 2003.

 

Please follow and like us: