Eroplano ng Lufthansa nag-emergency landing sa Greece nang umusok ang cabin

(file) A Lufthansa flight with 190 passengers on board made an emergency landing Monday in Rhodes after reporting smoke in the cabin, according to the operator of Greek regional airports, Fraport.(Photo by Lando Hass / DPA / dpa Picture-Alliance via AFP)

Isang Lufthansa flight na may lulang 190 mga pasahero, ang nag-emergency landing sa Rhodes makaraang mapaulat na may usok sa cabin, ayon sa operator ng Greek regional airports na Fraport.

Ayon sa Fraport, humingi ng permiso ang piloto ng eroplano na galing Frankfurt at patungo sa Dubai, upang lumapag sa southern (sadern) Aegean island dahil may usok sa loob ng cabin.

Ligtas namang nailabas ang mga pasahero at ang eroplano ay sumailalim sa technical at security inspection dahil sa hinihinalang electrical issue.

Hindi naman nilinaw ng Fraport ang uri ng eroplano, ngunit ayon sa flight tracking website na Flightradar24, ito ay isang Airbus A330.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *