Ethics complaint na isasampa ni Sen. Gordon laban kay Trillanes suportado na ng 14 na Senador

Suportado na ng labindalawa hanggang labing apat na Senador ang isasampang reklamo ni Senador Richard Gordon laban kay Senador Antonio Trillanes sa Senate Committee on Ethics.

Ang pahayag ay ginawa ni Gordon matapos ang dalawang oras na caucus ng Majority Bloc kanina na dinaluhan ng labing-anim na Senador.

Iginiit ni Gordon na hindi niya na palalampasin ang ginawang pambabastos ni Trillanes at hindi aniya ito nababagay sa Senado.

Nanindigan si Gordon na offensive at unparliamentary ang ginawa ni Trillanes at dapat lang itong kastiguhin ng Ethics committee.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *