Ex-cop Nuezca, namatay sa cardiac arrest– NBI initial report

Lumalabas na cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay ng dating pulis na si Jonel Nuezca na hinatulang guilty sa pagpatay sa nakaalitang mag-ina sa Tarlac.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ito ay batay sa preliminary report ng NBI na nagsagawa ng otopsiya sa bangkay.

Pero, sinabi ng kalihim na nagpapatuloy pa ang eksaminasyon ng NBI.

Partikular aniya ang laboratory at histopathological exam.

Layon nito na matukoy ang specific na sanhi ng ikinamatay ni Nuezca.

Si Nuezca ay pumanaw noong November 30 sa New Bilibid Prison.

Naglalakad daw ito sa labas ng dormitory building nang biglang mag-collapse.

Moira Encina

Please follow and like us: