Mayor Isko Moreno , pabor sa political rallies

Walang nakikitang masama si Manila Mayor at Presidential aspirant Isko Moreno sa ginagawang pag-iikot at political rallies ng mga kandidato.

Ito ay sa kabila ng panawagan ng Commission on Elections, Department of Health at Department of Interior and Local Governments sa mga kandidato na huwag munang magsagawa ng mga ganitong aktibidad dahil sa banta ng COVID-19.

Bukod rito, sinabi ni Mayor Isko na hindi parin naman umano nagsisimula ang campaign period.

Basta nagsusuot naman aniya ng facemask at bakunado na ay walang problema.

Naniniwala si Mayor Isko na mas pabor sa publiko ang pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad.

Madz Moratillo

Please follow and like us: