Executive Order para sa Nationwide Smoking Ban hindi pa nalalagdaan ni Pangulong Duterte

 

Ipinagpaliban muna ni Pangulong Duterte ang paglagda sa Executive Order na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga tanggapan ng gobyerno sa buong bansa.

Sinabi ng Pangulo na bagaman nasa lamesa na niya ang draft ng Executive Order na ginawa ni Health Secretary Pauline Ubial hindi pa niya ito pinipirmahan.

Ayon sa Pangulo kailangan muna niyang pag-aralang mabuti ang ilalabas na Executive Order para ipagbawal ang paninigarilyo sa buong kapuluan.

Inihayag ng Pangulo gusto niyang kunin ang paninindigan ng medical sector para maipaliwanag sa publiko ang kabutihang maidudulot ng pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: