Extended GCQ sa NCR hanggang September 30

President Rodrigo Duterte in a meeting with the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) on August 31, 2020

Extended ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila hanggang September 30.

Bukod sa National Capital Region, kasama rin sa GCQ ang Bulacan at Batangas, at ang mga lungsod ng Tacloban at Bacolod.

Magiging mas mahigpit naman sa Iligan City sa Lanao del Norte na mula ngayon ay nasa ilalim na ng modified enhanced community quarantine (MECQ), dahil sa lumalaking bilang ng nagpopositibo sa Covid19 virus.

Samantala, ang nalalabi pang mga lugar sa bansa ay nasa ilalim na ngayon ng modified general community quarantine (MGCQ) na mas maluwag kaysa sa GCQ.

Please follow and like us: