Facebook, tatanggalin ang mga account na may kaugnayan sa terorista

fb

Courtesy of Wikipedia.org

Nangako ang social media giant na Facebook na tatanggalin ang mga account na may kaugnayan sa mga terorista.

Kasunod ito ng apela ng Armed Forces of the Philippines na tanggalin at imbestigahan ang higit animnapung (60) Facebook account na ginagamit ng Maute group at mga sympathizer nito.

Ayon sa Facebook, batay sa kanilang community standard hindi pinayagan ang account ng mga grupo o tao na sangkot sa terrorist activity at maging ang pagpapahayag ng pagsuporta sa mga terrorista.

Nakahanda  rin ang Facebook na tanggalin ang post, content at maging ang mismong account ng mga lumalabag sa polisiyang ito sa oras na maipagbigay alam ito sa kanila.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *