Farhana Maute nakapiit na sa Special Intensive Care Area sa Camp Bagong Diwa Taguig City

farhana

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Nakapiit na sa Special Intensive Care Area o SICA sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang Maute matriarch na si Ominta Romato Farhana Maute Ominta at 10 iba pang akusado ng rebelyon sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma nina Justice Secretary Vitaliano Aguirre at BJMP Jail Director Serafin Barreto.

Nailipat ang kustodiya ng labing-isa sa BJMP noong ala una ng madaling araw ng June 13.

Kabilang sa mga ito ang dating Mayor ng Marawi City na si Fahad Salic.

Sila ay kinasuhan na sa Korte ng kasong rebelyon kaugnay ng pagatake sa Marawi.

Si Farhana ay nahuli ng mga otoridad sa Masiu, Lanao del Sur noong isang linggo.

Siya ang ina ng magkapatid na sina Abdullah at Omar Maute.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *