FDA, nagbabala sa mga kumakalat na pekeng Biogesic

Nagbabala ang Food and Drug administration o FDA sa publiko sa kumakalat na pekeng Biogesic paracetamol sa merkado.

Ayon sa FDA, kinumpirma ng United Laboratories Inc., na may ibinebentang pekeng biogesic 500 milligram tablets.

Pinayuhan ng FDA ang publiko at mga Healthcare professionals na maging maingat sa binibili nilang gamot sa merkado para matiyak na hindi peke ang kanilang mabibili.

Ayon sa FDA, magkaiba ng kulay ang authentic at pekeng produkto, iba rin ang foil packaging pattern, foil material at magkaiba rin ang printed markings.

Pinaalalahanan din ng FDA ang mga nagpapakalat at nagbebenta ng pekeng biogesic na maaari silang maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9711 o Food and Drug administration of 2009 gayundin sa kasong paglabag sa Republic Act 8203 o Special Law on Counterfeit drugs.

 

==============

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *