Federalismo, hindi pa patay – ayon sa Malakanyang

 

Buhay pa ang isinusulong ng administrasyon na Federalismo.

Sinabi ni Presidential Communications secretary Martin Andanar, maihahalintulad sa power nap o nagpapahinga lamang sa ngayon ang Estado ng Federalismo at sa paggising nito ay muling lalakas.

Ayon kay Secretary Andanar,  iginagalang ng Malakanyang ang posisyon ng mga mambabatas na mayroong reserbasyon sa pagsusulong ng Federalismo.

Inihayag ni Andanar na pasisimulan na ng kanyang tanggapan katulong ang inter-agency para ikampanya at ipaunawa sa publiko ang Federalismo.

Tiniyak ni Andanar na hindi nagbabago ang posisyon ni pangulong duterte na isulong ang Federalismo bago matapos ang kanyang termino.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *