Fiberglass Reinforced Plastic Fishing Boat Project, inilunsad ng DA-BFAR

Inilunsad ng DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, ang una sa 33 Fiberglass Reinforced Plastic fishing Boat Projects para sa mga mangingisda ng bansa.

Ayon kay DA-BFAR OIC-Director Atty. Demosthenes Escoto, ang programa ay makabagong kaisipan na naka focus sa modernisasyon at sa pagbibigay ng oportunidad upang mas kumita ang mga mangingisda.

Dagdag pa ni Escoto, mas malalaking bangka, mas malayong distansya ang mararating at maraming huli ang maiuuwi.

Hinikayat din niya ang mga mangingisda na tatanggap ng fiberglass plastic fishing boats, na manatiling kaisa sa mga inisyatiba ng DA-BFAR upang makamit ang isang masagana at sustainable fisheries sector.

Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *