First-at second-level courts sa Alert Levels 2 at 3 areas, pisikal nang bukas simula ngayong araw

Nagbukas na muli ang mga hukuman at judicial offices sa mga lugar na parehong nasa ilalim ng Alert Levels 2 at 3 simula ngayong Miyerkules dahil sa patuloy na pagkaunti ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay batay sa pinakahuling court operations guidelines na inilabas ng Office of the Court Administrator.

Ayon sa OCA, inalis na rin ang suspensyon sa period para sa filing at service ng pleadings at iba pang court submissions kahit ano ang alert level o quarantine classification dahil maaari ito na gawin electronically.

Para sa mga korte na nasa Alert Level 2 areas, 80% dapat ang nakatalagang skeleton workforce.

Maaari pa rin magsagawa ng videoconferencing hearings ang judges sa nasabing alert level para sa mga pagdinig na hindi kinakailangan ang in-court hearings.

Hindi naman dapat bababa sa 60% ang workforce sa mga korte sa Alert Level 3.

Dapat din na i-maximize ang videocon hearings at dapat limitado lang ang in-court appearance.

Moira Encina

Please follow and like us: