First quarter social pension ng senior citizens naipamahagi na sa Aurora

Naipamahagi na ang social pension ng 1,303 local pensioners sa buong bayan ng Dingalan, Aurora.

Kasabay nito ay ang pagbibigay ng birthday gift sa mga lolo at lola na nagdiwang ng kaarawan, mula Oktubre hanggang Disyembre ng nakalipas na taon, at mula Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan.

Ipinamahagi na rin ng lokal na pamahalaan ang allowance para sa mga bantay bayan at lupong tagapamayapa; at ganoon din ang insentibo para sa Barangay Health Workers (BHW) na nabakunahan na.

Kinausap naman ni Mayor Shierwin Taay ang bawat BHW na hindi nagpabakuna, upang personal na malaman ang dahilan ng pagtanggi nila na mabakunahan kontra COVID-19.

Ulat ni Daceryll Rivera

Please follow and like us: