Vaccination Rollout pansamantala na ring ipinatigil sa Calamba Laguna dahil sa kakulangan ng Covid-19 Vaccine.

Ipinatigil na rin ng Calamba City Laguna LGU ang Vaccination Rollout sa lungsod. 
Bunsod ito ng kakulangan ng suplay ng Covid 19 vaccine. 
Ayon sa anunsiyo ng City Health Office ng Calamba, hinihintay pa umano nila ang karagdagang suplay ng bakuna na manggagaling sa DOH. 
Tiniyak naman ng Calamba City Gov’t na sa mga susunod na araw ay maglalabas sila ng abiso kung kailan magpapatuloy ang Covid-19 Vaccination Rollout para sa iba pang mga kabilang sa priority list sa lungsod. 

Please follow and like us: