Floyd Mayweather, nag-alok ng $100,000 pabuya sa makapagtuturo sa nanloob sa kanilang bahay

Photo: floydmayweather_instagrampost

Pinasok ng mga magnanakaw ang tahanan ni US boxing champion Floyd Mayweather, Jr. sa Las Vegas, Nevada, USA.

Ilan sa mga nakuha ay ang mamahaling mga bag at ilang mga gamit.

Hindi na idinetalye ng mga awtoridad ang kabuuang halaga ng mga nanakaw na gamit kay Mayweather.

Samantala, nag-alok ang boksingero ng $100,000 pabuya sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek, na nanloob sa kaniyang tahanan.

Humingi na rin ng tulong si Mayweather sa kaniyang mga follower sa Instagram, para sa ikadarakip ng mga nagnakaw sa kaniyang bahay.

Jet Hilario

Please follow and like us: